Gabi ng Setyembre 23, 1846 nang nadiskubre ng German astronomer na si Johann Gottfried Galle ang planetang Neptune na nasa one degree (1°) ng posisyong una nang tinukoy ng French mathematician na si Urbain Le Verrier, ang isa pang nakatuklas sa planeta.

Sa umpisa, ang Neptune ay tinatawag na “the planet exterior to Uranus” o “Le Verrier’s planet”. Ngunit matapos ang ilang mungkahing itawag dito, ganap nang tinanggap ang Neptune sa mundo, ipinangalan sa diyos ng karagatan sa mitolohiyang Romano.

Ang Neptune ang ikawalo at pinakamalayong planeta sa Araw. Ito ang ikaapat na pinakamalaki sa diyametro, ikatlong pinakamabigat, at kikilalang higante — 17 beses na mas mabigat sa Earth — sa buong Solar System. Mayroon itong 14 na buwan, na ang pinakamalaki ay tinatawag na Triton.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan