gil2-copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa napipisil na leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love from the Stars na sinasabing baguhan at pumasa sa audition na dadaan pa sa workshop.

May nagbulong sa amin ng identity ng sinasabing posibleng leading man ng aktres, siya si Gil Cuerva, isang commercial at print model.

“Nag-audition ‘yan si Gil kina Direk Joyce (Bernal),” kuwento ng source namin. “Kasi siya ang direktor ng My Love From The Stars, sa mga executives ng GMA at nandoon din si Jennylyn para makita rin naman niya ang makakasama niya.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“Maraming bumoto kay Gil, kasi guwapo naman, chinito at bagay naman sa kanya ang role kasi hindi naman need ng matinding acting, ‘di ba? Ano sa tingin n’yo, bagay pa siya sa papel na Matteo Do?”

Kung ibabase namin sa mga litratong nakita namin sa internet at social media accounts ni Gil na ilang beses nang na-cover sa glossy magazines, eh, sikat na siya on his own, kaya puwede naman, ‘di ba, Bossing DMB? (Reggee Bonoan)