LONDON(AP) — Sa record ng International Tennis Federation (ITF), apat na ulit na nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot na ‘meldonium’ si American tennis player Varvara Lepchenko.

Ngunit, ipinahayag ng ITF na inalis ang naunang ‘provisionally suspension’ na ipinataw sa kanya matapos mapatunayan sa pagsusuri at imbestigasyon na gumamit siya ng naturang gamot bago pa pormal na maisama sa listahan ng ipinagbabawal na gamot nitong Enero 1.

“She bore no fault or negligence for the violation,” pahayag ng ITF.

Ang ‘meldonium’, kilala rin sa pangalan na ‘mildronate’, ang gamot na nakita rin sa samples ni tennis superstar Maria Sharapova nang sumabak siya sa Austrlian Open nitong Enero.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Inamin niya ang paggamit ng gamot bilang medisina sa matagal nang karamdaman. Ngunit, pinatawan pa rin siya ng dalawang taong banned. Kasalukuyan niya itong inaapela.

Ang naturang gamot na gawa sa Latvia ay ginagamit sa mga pasyenteng may karamdaman sa puso.

Ayon sa ITF nakita sa sistema ni Lepchenko ang gamot sa kanyang samples nitong Jan. 7, Feb. 1, March 1 at April 7.

Kaagad niyang inapela ang suspensiyon at sinabing huli siyang gumamit ng gamot noong Disyembre 20.

Ang 30-anyos na si Lepchenko, isang Uzbekistan native, ay No. 79 sa WTA ranking.