tom-at-taylor-copy

BAGAMAT hiwalay na sina Tom Hiddleston at Taylor Swift, in good terms pa rin ang dating magkasintahan.

Sa katunayan, ayon kay Hiddleston, magkaibigan sila ni Swift. “Yes. Yes, we are,” saad niya habang nakangiti sa People nang tanungin kung magkaibigan pa rin sila, sa Emmy Awards nitong nakaraang Linggo.

Dumalo ang British actor, 35, sa star-studded ceremony sa Los Angeles bilang nominado para sa Oustanding Lead Actor in Limited Series or Movie, at iprinisenta niya rin ang award para sa kategoryang Outstanding Directing for a Limited Series, Movie, or Dramatic Special, kasama si Priyanka Chopra, para sa kanyang direktor sa Night Manager na si Susanne Bier.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi ng mga nag-oobserba sa People na mukhang in great spirit si Tom at masaya na nasa Emmys bilang nominee at sa pag-suporta nito sa pagkapanalo ni Bier. Nakipag-selfie rin si Hiddleston at nakipag-usap sa kanyang fans at sa mga dumalo.

Nitong unang bahagi ng buwan, kinumpirma ng People ang hiwalayan nina ni Taylor at at Tom pagkaraan ng tatlong buwan na relasyon.

Unang namataan ang dalawa sa video habang sumasayaw sa Met Gala noong Mayo. Ibinunyag ang kanilang bagong relasyon isang buwan makaraang lumabas sa Internet noong Hunyo 15 ang larawan ng pop star, 26, at aktor ng Thor na sweet sa isa’t isa sa Rhode Island

Sa loob ng ilang linggo, nagtungo sila sa iba’t ibang PDA-filled trips tulad ng sa Nashville, London, Italy, Rhode Island, at Australia. 

“It was an amicable split,” inihayag ng source sa People. (People.com)