Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- UE vs UP

4 n.h. -- Adamson vs NU

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nagawang maihawla ng Adamson ang Ateneo Blue Eagles – isa sa pinakamatikas na koponan – sa UAAP seniors basketball tournament.

Ngayon, ang National University Bulldogs ang tatangkaing maikadena ng Falcons sa kanilang pakikipagtuos sa tampok na laro ng double-header ngayon sa premyadong collegiate league sa bansa sa MOA Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos nang unang salpukan sa pagitan ng University of the East at University of the Philippines ganap na 2:00 ng hapon.

Taliwas ang kapalaran ng dalawang koponan sa nakalipas nilang laban.

Nasilat ng Falcons ang Ateneo Blue Eagles, 62-61, sa buzzer-beating jumper ni Dawn Ochea, habang natamo ng Bulldogs ang 65-75 kabiguan sa nangungunang La Salle.

"We just have to move on and focus on our game against Adamson. We must give emphasis on our defense all throughout the game," pahayag ni NU coach Eric Altamirano.

Para kay Altamirano, ang pagkawala sa focus ng kanyang mga players sa fourth quarter ng laban nila ng Green Archers ang naging dahilan sa nakaraang kabiguan na nagbaba sa kanila sa kartang 2-1 kapantay ng Adamson.

Partikular na aantabayanan ang pagbabalik sa wisyo ni Cameroonian big man Alfred Aroga na nagtala lamang nang dalawang puntos at tatlong rebound sa nakaraang laban kontra Archers.

Muling masusubok ang husay at diskarte ng bagong Falcons coach na si Franz Pumaren, higit at inaasahang gagawin ng Bulldogs ang lahat upang makaiwas sa magkasunod na kabiguan.

Sa unang laban, mag-uunahan namang makapasok sa win column ang kapwa winless matapos ang unang tatlong laban na Red Warriors at Fighting Maroons.

Inaasahang kapwa magkukumahog ang dalawang koponan na makamit ang unang tagumpay ngayong season na inaasahang magbibigay sa kanila ng momentum papasok sa kalagitnaan ng first round. (marivic awitan)