sylvia-copy-copy

DAHIL sa big success ng The Greatest Love (TGL) sa pangunguna ni Sylvia Sanchez ay nagkaroon ng Thanksgiving Mass ang TGL Team at GMO (Ginny M. Ocampo) unit kamakailan.

Ang caption sa post ni Ibyang sa social media, “#TheGreatestLove thanksgiving mass yehey, thank you LORD! And thank you din sa lahat ng mga sumusuport at nagmamahal sa pamilya Alegre yahooo!!! #happiness#grateful #blessed.”

At sa isa pang post na kasama ni Ibyang sa picture ang gumaganap na mga anak niya sa TGL na sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans, at Andi Eigenmann with Luis Alandy and Joshua Garcia, “Walang kasing saya ang ina pag nakikita niyang kumpleto ang mga anak niya #TGLFamilyaffair #happiness #grateful #blessed #thankULORD”.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Walang mapagsidlan ng tuwa si Sylvia kasama ang buong pamilya niya -- reel and real -- dahil pawang positibo ang naririnig na feedback sa The Greatest Love bukod pa sa ratings nito sa loob ng dalawang linggo.

Sa tuwing bubuksan ng aktres ang social media accounts niya ay kaliwa’t kanan ang papuring inaabot niya mula pa sa ibang bansa, kaya labis-labis ang pasasalamat niya.

“Ang sarap lang sa pakiramdam na may mga pumupuri at bumabati ng ‘congrats’ at ‘yung iba ikukuwento pa nila ‘yung eksenang napanood nila sa araw na ‘yun, nakakatuwa, masaya ako, kaming lahat ng GMO unit, si Miss Ginny, kung baga sulit ang mga hirap namin. Kung alam n’yo lang grabe, nakakanerbiyos.

“Hanggang ngayon naman, kabado pa rin kami kasi siyempre kailangan mong ma-maintain ‘yung show, ‘yung expectations ng tao, so dapat i-maintain mo ‘yun at pataas dapat, hindi pababa,” masayang sabi ng aktres.

Araw-araw ang taping ni Ibyang ng The Greatest Love at madaling araw na siya nakakauwi kaya tulog na ang mga anak at asawa niya. Isa lang ang hiniling niya sa production, “Akin ang araw ng Linggo, kasi family day ko ‘yun. Ito lang kasi ang araw na para sa pamilya ko, kaya ipinakiusap ko na huwag nila akong bigyan ng trabaho ng Linggo kaya nagpapasalamat ako sa buong team at sa GMO kasi pinagbigyan nila ako.”

Araw kasi ng Linggo ang promo ng TGL ang weekend kaya nag-adjust ang promo na gawing Sabado.

Samantala, masaya ring ikinuwento ng aktres na bukod sa papuri ng ibang tao sa kanya at sa programa nila ay proud din siya na ipinagmamalaki ang kanyang unang seryeng pinagbibidahan ng mga anak niyang sina Pia, Arjo, Ria, Gela at Xavi pati na ng asawang si Art Atayde at in-laws niya.

Oo nga, Bossing DMB, ‘pag oras na ng The Greatest Love, nakatutok na ang televiewers sa bahay at pamilya ni Ibyang sa programa. (REGGEE BONOAN)