Pinigil ng Letran ang tangkang sweep ng San Beda sa pamamagitan ng 4-0 panalo upang maangkin ang juniors crown sa 92nd NCAA chess tournament sa Jose Rizal Gymnasium sa Mandaluyong City.

Nagsipanalo sina Mark Daluz, Melito Ocsan, Eric Yap at Alexis Osena para selyuhan ang panalo ng Squires, ginabayan ni National Master Roland Joseph Perez.

Napili naman si Daluz bilang juniors MVP.

Kinailangan ng Letran na gapiin ang San Beda, 2.5-1.5, upang maipuwersa ang deciding game ng finals kasunod nang naunang panalo ng Cubs, 3-1.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“The boys just kept the faith that they could beat San Beda and they did,” pahayag ni Perez. (Marivic Awitan)