Nagawang saksakin ng isang 22-anyos na babae ang nakatatanda niyang kapatid dahil lamang sa isang USB sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Jayson C. Delgado, 26, ng Pier 2, North Harbor, Tondo, Maynila, dahil sa ilang tama ng saksak sa kanyang tiyan.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Jenny C. Delgado, 22, helper, at residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ni PO2 Wendham dela Cruz, imbestigador ng Manila Police District (MPD) ng Moriones Police Station, dakong 12:30 ng tanghali nangyari ang pananaksak sa loob ng tahanan ng magkapatid.

Nauna rito, sa hindi pa malamang dahilan ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang magkapatid dahil lamang sa isang USB na pagmamay-ari ng biktima.

National

Unemployment rate, bumaba sa 5.1% noong Pebrero 2026!

Maya-maya pa’y bigla na lamang umanong kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak sa tiyan ang kanyang kuya bago tuluyang tumakas.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para madakip ang suspek. - Mary Ann Santiago