pinoy-boyband-copy

Ni REGGEE BONOAN

SA ABS-CBN News sa Internet na lang namin napapanood ang Pinoy Boyband Superstar na nagsimula noong Setyembre 10 dahil natitiyempong dalawang weekend na kaming wala sa bahay.

Maging ang episode nitong nakaraang Sabado,  ay hindi na naman namin naabutan kaya nagkasya na lang kami ulit sa late upload ng news online ng ABS-CBN.

Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan

Noong nakaraang linggo ay nagustuhan namin si Neil Murillo, 17 years old na tubong Cebu City, dahil bukod sa cute at moreno ay may boses. Sabi nga ni Aga Muhlach, mala-Richard Gutierrez na lumiit.

Hindi man katangkaran si Neil ay dadaanin naman niya sa cute smile, mapupungay na mata at magandang boses para mapili siya bilang isa sa binubuong boyband ng ABS-CBN.

Ang ikalawang napili namin na siguradong papasang artista sa ganda ng mukha at galing sumayaw ay si Joao Constancia, 19 years old, at tubong Macau, China.

Naniniwala kaming pasok na si Joao sa finals at kung sakaling hindi siya palaring manalo ay siguradong kukunin siya ng Star Magic dahil bukod sa guwapo, matangkad ay malakas ang appeal at hindi mahiyain. 

Nasabi naming posibleng hindi pumasa sa boy band dahil hindi kagandahan ang boses niya, nakakakanta lang. Pero sabi nga ni Yeng Constantino, bukod sa naku-cute-an siya ay puwede niyang turuang kumanta ang binata.

Perfect package para sa amin si Joao bilang artista.

Okay rin si Wilbert Rosalyn, 19 years old na tubong Davao del Sur na hindi man kaguwapuhan, sabi nga ni Yeng, “Para kang putaheng ordinaryo na ‘pag tinikman, uy, masarap pala”.

May pagka-RnB ang boses ni Wilbert dahil kinukulut-kulot niya ang audition piece niyang Can’t Take My Eyes of You at base naman sa performance niya ay posibleng umabot siya sa finals ‘wag lang masisilat ng mga susunod na contestant.

‘Baby boy’ naman ang paglalarawan ni Vice Ganda kay Gabriel Umali kahit kailangan daw i-polish ang boses, kasi nga kabado kaya medyo nawawala nu’ng kantahin niya ang Torn ni Natalie Imbruglia.

Ang naging saving grace ni Gabriel ay marunong siyang sumayaw. Sabi ni Sandara Park, “Kailangan ng magaling na dancer sa isang boy band.”

Refreshing ang Pinoy Boyband Superstar dahil bukod sa maraming talents na nadidiskubre ay marami palang guwapong kabataan ngayon, bakit ba ngayon lang sila nagsusulputan? 

At mas nakakabaliw ang female audience ng PBBS, dahil hindi pa nga totally artista ang mga contestant ay grabe na ang hiyawan.

Congrats sa team ng PBBS headed by Lui Andrada.