Mga Laro Ngayon (San Juan Arena)

9 n.u. -- San Sebastian vs EAC 

10:45 n.u. -- JRU vs Letran

12:30 n.h. -- Perpetual vs Lyceum.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2:15 n.h. -- San Beda vs Arellano

4:00 n.h. -- Mapua vs CSB

Tumatag sa ikalawang puwesto para sa hinahangad na insentibo sa Final Four series ang tatangkain ng Mapua- Malayan Science High School sa pagsalang kontra CSB-La Salle Greenhils sa tampok na laro ngayong hapon sa juniors division ng NCAA Season 92 basketball tournament sa San Juan Arena.

Hawak ang barahang 13-3, puwede pang mawala sa Red Robins ang  twice-to-beat  incentive kung malalaglag sa second spot sakaling matalo sila sa Junior Blazers.

Importante naman sa Junior Blazers ang panalo dahil bubuhayin nito ang tsansa nila sa No.2 spot.

Tulad ng Junior Blazers, ganito rin ang misyon ng Arellano University na kasalo ng una sa ikatlong puwesto hawak ang markang 13-4.

Tatangkain ng Braves na ulitin ang naunang panalo nila sa Red Cubs sa unang round para manatiling buhay ang tsansang makopo ang second spot.

Nakatakda ang laro ng Braves at Red Cubs ganap na 2:30 ng hapon. - Marivic Awitan