Kritikal ngayon ang mag-asawang “tulak” ng ilegal na droga matapos pagbabarilin ng kanilang kalugar na umano’y tulak din sa Parañaque City, nitong Sabado ng gabi.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang mag-asawang sina Ruben Cayubit, alyas “Barok” at Emily Cayubit, alyas “Tisay”, kapwa nasa hustong gulang, sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na kinilala sa alyas na “Bilo”, kilala umanong drug pusher ng Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Sa ulat ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 10:00 ng gabi nangyari ang pamamaril sa harapan ng post office sa hangganan ng Bgy.San Dionisio at La Huerta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatayo ang mag-asawa at nagbebenta umano ng ilegal na droga sa lugar nang sumulpot ang armadong suspek at pinagbabaril ang dalawa.

Ayon kay Carumba posibleng “drug war” ang motibo sa pamamaril sa mag-asawa. - Bella Gamotea