mandy-copy-copy

INAMIN ni Mandy Moore na hindi niya inaasahan ang mga nangyari sa kanyang buhay: naging young wife sa edad na 25 ang dating pop star na naging aktres nang pakasalan niya ang rocker na si Ryan Adams noong 2009. At lalong hindi niya inasahan na maghihiwalay sila pagkaraan ng anim na taon.

“My story deviated in a different direction than I expected,” pahayag ni Mandy Moore sa People tungkol sa kanyang pakikipaghiwalay noong 2015. “But ultimately, life is about being happy and fulfilled and sometimes that means making hard choices.” 

Ibinahagi ng star, na muling pinag-uusapan ngayon dahil sa bagong show na This is Us, na magsisimula sa Setyembre 20 sa NBC, na sinikap niyang hindi masaktan sa hiwalayan. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“There are moments of being curled up in a ball on the floor,” pag-amin niya. “It’s really hard. But I’ve moved on and progressed in the stages of grief and being angry and feeling the loss and all that. I do believe things happen for a reason. And I think I had that mantra moving through the trying times.” 

Marami ring masasayang alaala sa pagsasama nila ni Adams, sabi ni Moore. “There was a period in my life when it was so beautiful. And I had this really fascinating person [through whom] I got to see a completely different perspective on the world.” 

Ngayon na may bagong show ay may masaya ring bagong relasyon si Mandy, sa musikero na si Taylor Goldsmith na nagsimula noong nakaraang taon, sinabi ng star na wala siyang babaguhing ano man sa kanyang nakaraan. 

“You couldn’t pay me to go back five or ten years ago,” sabi niya. “Having gone through trials and tribulations has brought me to this place today. I feel so much lighter. And I’m growing into the best version of myself.”  

(People.com)