Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

2 n.h. -- UST vs UP

4 n.h. -- Ateneo vs Adamson

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kapwa matikas ang pagaspas ng Ateneo Blue Eagles at Adamson Falcons sa pre-season kung kaya’t inaasahang magiging kapana-panabik ang kanilang pagtatagpo ngayon sa tampok na laro UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Target ng Blue Eagles na masundan ang panalong nadagit kontra sa Far Eastern Tamaraw, 76-71, habang asam ng Falcons na makabangon mula sa natamong kabiguan, 65-75, sa FEU.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.

Muli, inaasahang sasandigan ang Blue Eagles nina Thirdy Ravena, Aaron Black, kambal na Mike at Matt Nieto at rookie guard Anton Asistio.

Aasahan naman ni coach Franz Pumaren para makaiwas sa ikalawang dikit na talo sina top rookie Jerrick Ahanmisi, JD Tungcab, Dawn Ochea at Rob Manalang.

Magtutuos naman sa unang laro sa 2:00 ng hapon ang season host University of Santo Tomas at University of the Philippines.