justin-at-britney-copy

HINDI imposibleng magkakaroon ng musical reunion ang dating magkasintahang sina Justin Timberlake at Britney Spears dahil nagpahayag na si Justin na payag siyang para makipag-collab sa ex.

Bilang kasagutan niya ito sa sinabi ni Spears na “Justin Timberlake is very good” noong nakaraang buwan nang tanungin kung sino pa ang nais niyang makatrabaho. Inihayag naman ni Justin, 35, na bukas siya para makatrabaho si Britney sa isang awitin, sa interview sa kanya ng The Associated Press noong Miyerkules.

“It seems like a crazy idea, so I don’t know. I have a 17-month-old,” aniya. “I don’t know anything. But yeah, that’s very flattering and could be something fun.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagkatrabaho sina Britney, 34, at Justin sa unang bersyon ng Disney ng Mickey Mouse Club noong 1990s. Naging magkasintahan ang dalawa sa loob ng tatlong taon bago maghiwalay noong 2002. (AP)