KUMPIRMADO nang ang Ma‘ Rosa ni Brillante Mendoza ang pinili ng Film Academy of the Philippines bilang official entry ng Pilipinas sa Oscars.
May mga nanghinayang sa hindi pagkakapili sa Ang Babaeng Humayo dahil sayang ang momentum ng pelikulang nanalong best picture sa Venice International Film Festival.
Ang balita, may commercial showing ng Ang Babaeng Humayo sa September 23 bilang requirement sa Oscar entries. Pero kung hindi man ang nasabing pelikula ni Lav Diaz ang napili for Oscars, tuloy pa rin ang showing ng movie sa September 28. (NITZ MIRALLES)