elmo-janella-copy-copy

MAGING matibay pa rin kaya ang red string na nag-uugnay kina Sam (Janella Salvador) at Kevin (Elmo Magalona) o tuluyan na nga ba itong mapuputol?

Ito ang dapat abangan ng mga manonood ngayong mas dumarami ang humahadlang sa kanilang pag-iibigan sa huling dalawang gabi ng Kapamilya primetime series na Born for You.

Hindi na mapigilan ang gulong namamagitan kina Marge (Ayen Munji-Laurel) at Cathy (Vina Morales) sa paghahanap ng huli ng hustisya para sa kamatayan ng kanyang asawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil sa sakit na nadarama ng kanyang ina, mas pipiliin ni Sam na kalimutan na lang si Kevin at ipagpatuloy ang kanilang laban para sa katotohanan.

Ngunit hindi susuko si Kevin na ipakita ang kanyang pagmamahal kay Sam at patutunayang sila ang itinadhana para sa isa’t isa.

Ngayong mas gumugulo ang kanilang buhay dahil sa sekreto ng nakaraan, paano pa maipaglalaban nina Sam at Kevin ang kanilang pagmamahalan? Paano maaayos ang daan upang magtagpo ang kanilang mga kapalaran?

Tinutukan at kinakiligan ang kuwento ng pag-iibigan nina Sam at Kevin mula nang umere ito sa telebisyon.

Sa kanilang unang tambalan sa telebisyon, hindi matatawaran ang kilig na dala ng ElNella sa fans ng serye.

Kinabiliban din sila sa kanilang talento sa pagkanta na kanilang ipinamalas sa mga eksena sa programa.

Patunay din sa tagumpay ng kanilang tambalan ang gabi-gabing pag-trend ng kanilang palabas sa Twitter, ang sold-out “red string” merchandise sa ABS-CBN store, at ang kanilang chart-topping hits sa ilang radio stations at sa Spotify.

At bukas, mapapanood ang pagwawakas ng kuwento ng pag-iibigan nina Sam at Kevin nang live mula sa Kia Theater. Huwag palampasin ang mga sorpresang ihahandog ng buong cast ng Born for You na siguradong kagigiliwan ng lahat.

Mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Jon Villarin, ang serye na ito ay produced ng Dreamscape Television Entertainment, na siya ring nasa likod ng phenomenal hit soap drama na FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, at Till I Met You.

Huwag palampasin ang teleseryeng nagpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang Born for You, gabi-gabi pagkatapos ng Till I Met You sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).