SINGLE na naman pala si Aiko Melendez dahil break na sila ng Iranian boyfriend niyang si Shahin Alimirzapour.
Deleted na ang pictures ng naturang guy sa social media account ng aktres.
Naalala namin nang mag-post si Aiko ng last picture nila ng ex-BF na nagluluto sa kitchen niya, may nag-comment na hindi sila magtatagal ng lalaki at magbi-break din. Nagalit si Aiko, pero nagsabi naman pala ng totoo ang netizen.
Parehong foreigner ang last two boyfriends ni Aiko, may nag-suggest na siguro mas mabuti kung Pinoy uli ang mahalin niya at baka suwertihin na siya. Huwag na raw siyang magmahal ng banyaga dahil laging hindi nagsa-swak.
May nakakatuwang suggestion naman ang isang netizen, magpapayat daw si Jomari Yllana para sila na lang uli ni Aiko.
(NITZ MIRALLES)