Magkasunod na itinumba ng ‘di kilalang armado ang mag-live-in partner na umano’y sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City, noong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Tala Medical Center sina Mark Anthony Gonzales at Danica Sobrapinya, ng Camia Street, Barangay 185 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni PO3 Ryan Rodriguez, dakong 8:00 ng gabi, nakikipag-inuman ang mga biktima sa kanilang mga kapitbahay sa tapat ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang minuto, bigla umanong sumulpot ang tatlong lalaki at pinagbabaril ang mga biktima.

“’Yung mag-live in lang talaga ang target ng mga suspek kasi hindi nila idinamay sa pamamaril ang mga kainuman, eh,” sambit ni PO3 Rodriguez.

Jay Sonza, inaresto dahil sa kasong cyber libel

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang anim na slug ng bala. (Orly L. Barcala)