claudine-copy-copy

MAY dapat bang ikatakot ang mga taong involved o na-involved kay Claudine Barretto sa ilalabas niyang tell-all book?

Malapit na raw lumabas ang libro na wala pang title, pero kinasasabikan na maging ng showbiz observers na hindi niya fans.

Tell all ito at ibig sabihin, lahat ng may kinalaman sa buhay niya, lalo na sa love life niya ay no holds barred niyang isusulat at magiging laman ng kanyang libro.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nabanggit pa ni Claudine na malapit na siyang mapanood sa TV, pero nang tanungin ng kanyang fans kung ano at kung saan ang TV show, hindi na siya sumagot.

May intriguing post din sa social media si Claudine na, “Pasensyahan mo na lang ‘yung mga new bashers mga dati kong kaibigan d’yan na Pekeng asawa Pekeng kaibigan at higit sa lahat PEKENG BAGONG KRISTYANO DAW.”

Sino kaya ang pinariringgan ni Claudine? May mga tinamaan kaya at mag-react kaya sila? Hintayin nga natin kung may umalma. (NITZ MIRALLES)