vina-copy

NAPAPANATILI ng ex-lovers na sina Vina Morales at Robin Padilla ang kanilang magandang samahan simula nu’ng maghiwalay sila maraming taon na ang nakararaan.

 

“Actually okay kami ni Robin at ni Mariel(Rodriguez), nakakatuwa,” sabi ni Vina, gumaganap ngayong bilang nanay ni Janella Salvador sa seryeng Born For You. “Okay naman kami lahat ng exes ko, isa lang ang hindi. Si Keempee (de Leon) nakakausap ko pa, ang hindi ko nakakausap siyempre dahil hindi naman kami pareho ng trabaho si Miguel (Zubiri). Okay kami ni Miguel lalo na kapag kasama niya ‘yung wife niya. Si Roy (Ofek) hindi ko pa nakikita kasi, di ba, sila ni Angela (Velez), nandoon na sila sa LA (Los Angeles).

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Si Robin ay nakakagulat dahil bigla-bigla na lang nag-invite sa baby shower. Sabi niya, Mariel invited me. Wow! I feel so special and then after that, Mariel said, ‘Vina, alam mo tuwang-tuwa raw si Robin kasi hindi niya akalaing pupunta ako nu’ng in-invite ako.

 

“I’m very happy for them kasi ang tagal nilang hinintay ‘yan at finally nakabuo rin sila, ang daming hardships na pinagdaanan kaya I really wanted to be there, and Mariel said na, ‘okay bring Ceana’ kaya nakakatuwa talaga. Hindi mo masabi ang (takbo) ng buhay ng tao,” pahayag ng aktres.

 

Nakakatuwa na okay si Vina sa halos lahat ng naging boyfriend niya.

“Hindi ko rin naman naging ugali, Reggs na mang-away. Unang-una, sa 30 years ko dito sa showbiz, may narinig ka bang palaaway ako? Naiintriga ako. ‘Pag may nasulat na nega, I’ll just keep quite or lalayo naman ako. Wala akong naging kaaway at hindi ko ugaling gumawa ng istorya at magsinungaling. Kaya malakas ang loob ko na I’ll fight till the end,” sabi ni Vina.

 

Ang tinutukoy ni Vina ay ang kasong kinakaharap niya ngayon laban kay Cedric Lee, ama ng anak niya.

 

“It’s for my daughter. And like what I’ve said, I will do everything for my daughter. Lalaban at lalaban talaga ako and lumalaban ako until now. But I’m just leaving it up to my lawyer. I got a new lawyer, Atty. Lucing Sering who’s in charge of the case now.

“Merong sa Nueva Ecjia, ‘yung libel, five (counts), may tumutulong naman sa akin, ‘yung lawyer ng pinsan ko. It’s just a complaint, wala pa naman sa korte.

 

“And I have five (counts of libel) in Caloocan. And then there’s Bernice (Lee, na kapatid ni Cedrick) filed a libel also in Caloocan and Bernice filed perjury in Parañaque),” kuwento ng aktres.

 

“But you know what, I’m thankful that even though ganu’n ‘yung mga kaso at kung saan-saang lugar, it’s just a complaint anyway. So, they filed a complaint about libel and for that perjury.

 

“Pero I’m praying and I know naman in my heart, it will be a positive (result) on my side. So, hindi ko naman masyadong pinoproblema ‘yun. Ang nag-aasikaso niyan, kundi ‘yung mga lawyers ko, sina Atty. Lusing Sering, sina Atty. Bembol Castillo.”

 

Naniniwala si Vina na papanig sa kanya ang hustisya.

 

“Wala naman akong ginawang masama. Ano ba’ng ginawa kong masama? Pakisabi sa akin kung meron po akong ginawang masama,” katwiran ng aktres.

 

Patapos na ang Born For You ngayong linggo, ano naman ang masasabi ni Vina?

 

“Bitin na bitin ako. Kasi, alam mong maraming puwedeng mangyari, marami pang puwedeng mangyari sa karakter namin, sa story, but it has to end, so we’re just thankful that nandiyan naman ‘yung suporta ng mga tao for the past four months,” kuwento ng aktres.

 

Samantala, ipinagpapasalamat ni Vina ay kahit 30 years na siya sa showbiz ay maganda pa rin ang pagtanggap sa kanya ng tao at hindi rin naman siya nawawalan ng proyekto.

 

“Mas madali ang mag-artista ngayon, mas madali nga lang ‘yung pacing, the negative part is mabilis ang turnover ng mga artista. Ngayon, kapag hindi mo pinag-igihan at hindi ka nag-stand out, next and dami na namang reality TV show, may ipapalit na naman sa ‘yo, kaya you have to strive harder and you have to shine all the time. Hindi katulad noon na okay lang.

“Ang pinakaimportante talaga sa artista ay ‘yung attitude, towards your work, love for your work. Kasi marami namang talented artists, singers pero kung may attitude problem ka, maraming ipapalit sa ‘yo. And it’s one reason siguro na nagtagal ako for 30 years,” kuwento ni Vina.

Bilang selebrasyon ng kanyang 30 years sa showbiz, magkakaroon siya ng birthday concert sa KIA Theater kasabay ng launching ng bago niyang album na Vina @30 mula sa Star Records.

“Sa October 14 ang show produced by DSL Productions, sina Pops Fernandez and I co-producing it. And ang guests ko would be Gary Valenciano, Robin Padilla, Daniel Padilla, Shaina Magdayao, Ogie Alcasid and of course Ceana. My musical director is Mark Lopez at ang stage director ko si Mr. M (Johnny Manahan) and my choreographer is Georcelle Dapat-Sy and G-Force.

“Kaya alam mong paghahandaan talaga itong concert na ito, since it’s already may 30 years. It’s my way of thanking everyone for the support,” kuwento ng aktres.

Natawa si Vina dahil mauuna pa raw ang live concert finale ng Born For You sa Friday kaysa sa 30th anniversary/birthday concert niya. (Reggee Bonoan)