SA flashback lang ng Encantadia ipinalabas ang eksenang ninakaw (sinungkit) ni Danaya (Sanya Lopez) ang mga damit ni Aquil (Rocco Nacino), pero marami ang kinilig. Puro positive ang comments nang i-post ni Rocco sa social media ang behind-the-scenes ng nasabing eksena.

May nag-comment na bagay sina Rocco at Sanya, na malakas ang chemistry nila at may nakiusap pang maging couple na sila... now na!

Heto pa, may nag-wish na magkatuluyan ang dalawa dahil super bagay sila.

Kahit sa original na Encantadia, marami rin ang kinilig sa eksena nina Alfred Vargas at Diana Zubiri kaya naulit ‘yun kina Rocco at Sanya. Ang request ng instant fans ng love team ng dalawa ay more scenes together at more kilig scenes pa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Post ni Rocco: “Shot one of the iconic scenes of Encantadia today! And it will be show tonight (last Friday, September 9). Abangan Danaya & Aquil fans!:) something to spice up tonight’s weekender episode! Hehe #DanayAquil.”

Ano nga kaya’t magkadebelopan sina Rocco at Sanya lalo’t magtatagal pa ang airing ng Encantadia at madalas silang magkikita at magkakasama sa taping? (Nitz Miralles)