andrea-copy

BALIK-PRIMETIME si Andrea Torres sa newest TV series ng GMA-7 na Alyas Robin Hood. 

My Beloved pa ang last primetime series ni Andrea at hindi pa mag-asawa that time sinaDingdong Dantes at Marian Rivera. Bago pa rin that time ang love team nila ni Mikael Daez.

Ang maganda pa, balik-primetime na nga si Andrea, hindi pa siya kontrabida sa Alyas Robin Hood kundi isa siya sa main cast at isa siya sa makakapareha ni Dingdong. Kaya ganado siyang magtrabaho.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sobrang saya sa first taping day ko. May mga sexy at action scenes ako rito, nag-training ako ng Muay Thai at dahil nagba-boxing naman talaga ako, hindi magiging mahirap sa akin na gawin ang action scenes ko. Saka, may mga fighter sa set na tumutulong sa amin sa action scenes , hindi magiging mahirap,” sabi ni Andrea.

Iniintriga si Andrea dahil kasama niya sa Alyas Robin Hood si Megan Young na real girlfriend ng ka-love team niyang si Mikael. Pero sabi ni Andrea, walang isyu sa kanilang dalawa.

“Bago pa kami magkasama rito, nagkikita na kami, nagbabatian at nag-uusap kami. Walang isyu sa aming dalawa at walang competition. Masaya sa set at ang isa pa sa ikinagusto ko sa show na ito, nagkaroon ako ng chance to work with the best. Ang huhusay kaya nina Tita Jane (Jaclyn Jose), Ms. Cherie (Gil) at Mr.Christopher de Leon,” dagdag na sabi ni Andrea.

Ginagampanan ni Andrea ang role ni Inday/Venus na tutulong kay Pepe (Dingdong) para hanapin ang mga pumatay sa ama nito. Isa siyang dancer at high-class thief. Sa direction ni Dominic Zapata, mapapanood angAlyas Robin Hood sa Setyembre 19. (Nitz Miralles)