Hiniling ni Senator Leila de Lima sa Senate Electoral Tribunal na idismis na ang protesta laban sa kanya ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino.

Ito ay sapagkat ‘harassment suit’ lang umano ang protesta ni Tolentino, at ang alegasyon nito hinggil sa electoral fraud at anomalya noong May 2016 elections ay wala umanong basehan.

Si De Lima ay lamang ng 1,332,972 boto kay Tolentino, na ayon sa Senadora ay ‘substantial lead’ na.

Hindi rin umano napapatunayan ni Tolentino ang kanyang alegasyon, maliban lang sa pangkalahatang alegasyon nito na ang resulta ng eleksyon ay minanipula ng Smartmatic at ng Commission on Elections (Comelec). - Hannah L. Torregoza

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'