Hindi galit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag, at wala itong planong i-boycott ang media, sa kabila ng umano’y maling report na uminsulto sa Estados Unidos.

“I am not at liberty to be angry at anybody. It is your sworn duty to ask questions…wala akong galit sa inyo,” ayon sa Pangulo.

“You know people commit mistakes. Some with malice, some without malice. It is just a mere shortfall of talent… but do not hesitate to attack me criticize me if I do wrong in my job. It is your duty to your country,” dagdag pa nito.

Si Pangulong Duterte ay napabalita sa buong mundo nang murahin umano nito si US President Barack Obama, dahil sa posibilidad na kuwestiyunin ng US leader ang human rights sa illegal drug campaign ng Pangulo.

National

Sa gitna ng ethics complaint: Wilbert Lee, iginiit na walang intensyong manakit, mambully

Nang himayin ang question and answer sa kanyang press conference, lumitaw na bukambibig ng Pangulo ang nasabing mura, at hindi ito direktang ibinato kay Obama.

Pinagsisihan ni Duterte ang personal na atake kay Obama, ngunit sinisi nito ang media dahil sa umano’y maling interpretasyon sa kanyang pahayag. - Genalyn Kabiling