Ni NORA CALDERON

alden-at-maine-copy2PANGALAWANG linggo na ng selebrasyon ngayon sa Sunday Pinasaya na may hashtag na #SPSBiyaheng Barkada sa pangunguna ng hosts na sina Marian Rivera, Ai Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, at Alden Richards. 

Patuloy sila sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood ng comedy variety program tuwing Linggo.

Kung pinatunayan ni Marian na siya pa rin ang queen of the dance floor, muli siyang magbibigay ng kaligayahan sa kanyang fans sa ‘paglipad’ naman niya bilang si Adarna sa kanilang dramarama segment.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

At kung bitin ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na gumanap bilang sina DJ Bae at DJ Mae na mag-sweetheart pala pero magkaiba ang radio stations nila kaya mga hugot lines ang binitiwan nila sa isa’t isa dahil may lover’s quarrel pala sila, this time, may twist na ang kanilang story.  

Ayon kay Maine, na masaya dahil muli siyang naimbitahang mag-guest sa special celebration, hindi na raw sila magkaaway ngayon ni Alden, sweet na sila sa isa’t isa.  Ang said portion ng show ay espesyal na idinirek ni Mike Tuviera, ang kanilang director sa blockbuster hit movie na Imagine You & Me.

Isa rin sa mga inaabangang segment ng show ang “Showbuzz Star” na ikinatutuwa ng viewers ay ang pagganap ni Jose Manalo bilang si President Juterte sa “Itanong Mo Kay Digong” segment hosted by Martin Paandar (Alden) at ang mga nagtatanong naman ay sina Ai Ai, Barbie Forteza at Wally Bayola.  

Mamaya na po ito at 12:00 noon sa GMA-7.