Ni MARY ANN SANTIAGO

Tinatayang aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan, habang anim ang malubhang nasugatan, matapos lamunin ng apoy ang 200 bahay sa Port Area, Manila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Manila Fire Department, dakong 8:35 ng gabi nagsimulang sumiklab ang apoy sa tahanan ng isang Maritess Abanes sa Atlanta Street, na sakop ng Barangay 651, Zone 68.

Umabot ng Task Force Alpha ang sunog na idineklarang under control dakong 10:14 ng gabi.

National

‘Julian’ isa na lamang LPA; nasa labas na ng PAR

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na mabilis na kumalat sa magkakadikit na bahay na pawang gawa sa light materials.

Aabot sa P6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.