NEW YORK (AP) — Sa ikalawang sunod na taon sa US Open, nasilat si Serena Williams sa semifinals.
At a pagkakataong ito, ang salarin sa kanyang kabiguan ay ang 10th-seeded na si Karolina Pliskova – ang tinaguriang ‘Williams-killer’.
Hiniya ng Czech Republic star ang American sweet heart, 6-2, 7-6 (5), nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para makausad sa women’s single ng US Open tennis championship sa kauna-unahang pagkakataon.
Pinataob ni Pliskova ang nakatatandang kapatid ni Williams na si Venus sa fourth round.
Bunsod nang kabiguan, naudlot ang pagtatangka ni Williams na makamit ang ikapitong kampeonato sa Flushing Meadows at ika-23 sa kabuuan ng career na kapwa nakatalang record sa Open-era.
Ngunit, ang masakit, nasibak din si Williams bilang No.1 sa WTA ranking nang magwagi ang datingNo. 2 na si Angelique Kerber kontra Caroline Wozniacki.
Ginapi ni Kerber si Wozniacki sa magaan na 6-4, 6-3 desisyon para maisaayos ang championship duel kay Pliskova.
"It's a great day," pahayag ni Kerber, target ang ikalawang Grand Slam title.
Nitong Enero, tinalo niya ni Williams sa Australian Open, bago sumegunda sa American star sa Wimbledon.
"To be No. 1 in the world — that sounds amazing," pahayag ni Kerber.
Target naman ng 24-anyos na si Pliskova ang kauna-unahang titulo. Sa nakalipas na 17 sabak sa major, bigo siyang makalagpas sa third round.