NAKAKAPAGPAGAAN ng damdamin ang mga kaibigan, pero hindi ka nila matutulungan para mas humaba ang iyong buhay, ayon sa bagong pag-aaral. Natuklasan ng mga sociologist na mas may posibilidad na madagdagan pa ang mga ginintuang taon ng matatandang tao kung sila ay malapit sa kanilang pamilya.
“We found that older individuals who had more family in their network, as well as older people who were closer with their family, were less likely to die,” saad ng lead author na si James Iveniuk, post-doctoral researcher sa Dalla Lana School of Public Health ng University of Toronto, sa isang pahayag. “No such associations were observed for number of or closeness to friends.”
Ang pag-aaral, na ililimbag pa lamang, ay gumamit ng survey data mula sa halos 3,000 matatanda na nasa pagitan ng 57 hanggang 85 taong gulang na sumagot ng mga katanungan noong 2005 at 2006. At tiningnan ng mga scientist kung sino ang pumanaw noong 2010 at 2011.
Sa initial survey, itinala ng mga indibiduwal ang kanilang limang pinakamalapit na kaibigan, ipinalarawan ang kanilang relasyon at tinukoy kung gaano sila kalapit sa bawat isa sa mga ito. Hindi kabilang ang asawa, ang mga kalahok ay may average na 2.91 na confidants, at halos lahat ay nagsabi na matatag ang suporta na natatanggap nila mula sa kanilang network. Bilang karagdagan, halos kasal silang lahat, maayos ang pisikal na kalusugan at inihayag na hindi sila nararamdaman ang lungkot.
Gayunman, ang mga kalahok na nagsabing sila ay “extremely close” sa mga miyembro ng pamilya na hindi nila asawa ay may 6 porsiyentong posibilidad na pumanaw sa susunod na limang taon, samantalang ang nagsabi na “not very close” sa miyembro ng pamilya ay may 14 porsiyentong panganib na pumanaw sa kaparehong panahon, natuklasan ng mga researcher.
Sa pagiging malapit sa pamilya, ang tao ay protektado rin laban sa maagang pagpanaw sa sakit sa cardiocvascular, ngunit hindi sa cancer, ayon sa mga researcher.
Natuklasan din ng mga researcher na ang mga kalahok na mas marami ang non-spousal family member sa kanilang network – gaano man ang kanilang pagiging malapit – ay mas mababa ang posibilidad ng kamatayan kaysa mga taong mas konti ang family members.
“Because you can choose your friends, you might, therefore, expect that relationships with friends would be more important for mortality, since you might be better able to customize your friend network to meet your specific needs,” ani Iveniuk. “But that account isn’t supported by the data — it is the people who in some sense you cannot choose, and who also have little choice about choosing you, who seem to provide the greatest benefit to longevity.”
Bagamat nagdudulot ng stress ang family members, sila pa rin naman ang laging may nakalaang suporta gaano man kahirap ang sitwasyon, kumpara sa magagawa ng mga kaibigan, saad ng mga researcher sa pag-aaral.
“Going back to the very first sociological theorists, many different thinkers have noted that there is some kind of special significance that people attribute to family ties, leading people to stay close to and support people who wouldn’t necessarily be individuals that they would associate with if they had the choice,” sabi ni Iveniuk.
Golden-year helpers
Natuklasan din ng mga sociologist ang apat sa social factor na maaaring maiugnay sa pagkakaroon ng mahabang buhay:
pagkakaroon ng asawa, mas malawak na network ng pamilya at kaibigan, aktibong partisipasyon sa mga social organization, at pagiging malapit sa isang kaibigan.
Ang pagkakaroon ng asawa ang may pinakapositibong epekto para sa mas mahabang buhay, kahit hindi masyadong mataas o maganda ang kalidad ng pagsasama. (LiveScience)