Kung ikaw ay sasailalim sa blood pressure test sa susunod na dalawang araw, mas mainam na umiwas ka muna sa pag-inom ng kape. Natuklasan sa pag-aaral na inilabas ng American Journal of Hypertension, na ang mga pasyente na umiinom ng kape ay maaaring makapagpababa ng epekto ng gamot para sa pagpapababa ng blood pressure.

Ang pag-inom ng kape bago sumailalim sa blood pressure test ay maaaring makaapekto sa resulta nito.  

Kilalang-kilala ang kape sa buong mundo. Sa United States, mahigit 50 porsiyento ng populasyon ang umiinom ng kape, na gumagastos ng halos $40 billion kada taon para sa inumin. 

Napag-alaman sa mga pag-aaral na ang caffeinated coffee ay nagpapataas ng blood pressure, samantalang hindi naman ganito ang epekto ng decaffeinated coffee. Malaki ang epekto ng caffeine sa blood pressure, at iminumungkahi ng mga eksperto na hindi rin maganda ang dulot nito sa cardiovascular events. 

Gayunman, ang mga tao na palaging umiinom ng kape ay hindi nahaharap sa ganitong panganib, dahil nakapagdebelop na sila ng tolerance. Iminumungkahi nito na mahalaga ang agwat sa pag-inom ng kape ng mga tao. 

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Para sa mga hindi palagiang uminom nito, maaaring iba naman ang kuwento.

Paano nakakaapekto ang kape sa blood pressure test?

Natuklasan ng grupo mula sa Western University at Lawson Health Research Institute sa London, Ontario sa Canada, ang nakamamanghang resulta nang sukatin nila ang epekto sa blood pressure sa mga hindi madalas na uminom ng kape, at kung paano nakakaapekto ang pagkonsumo sa kape sa calcium channel blockers.

Ang calcium channel blockers ay uri ng gamot na nakakapagpababa ng blood pressure. Karaniwang itong inirereseta sa mga pasyente na may hypertension. Ang calcium channel blockers, tulad ng felodipine, ay nakakapagluwag ng blood vessels, na nagpapabilis sa pagdaloy ng dugo.

Sa paraan na ito, nakakabawas ito ng blood pressure.

Nakakapagpataas ng blood pressure ang pag-inom ng kape matapos magkaroon ng break sa pag-inom nito. 

Para subukan ang kanilang teorya, nag-imbita ang mga researcher ng 13 katao na may average age na 52 na may normal blood pressure para lumahok sa eksperimento.

Gumawa sila ng tatlong test para sa kanilang subject, na may isang linggong pagitan. Bago isagawa ang bawat test, hindi uminom ng kape ang mga kalahok, o maging ng anumang caffeine-containing products, at iba pa tulad ng alcohol, grapefruit, marmalade, tobacco at iba pang medikasyon sa loob ng 48 oras.

Sa pagitan ng isang linggo, uminom ang mga kalahok ng dalawang 300 milliliter cup ng black coffee, maximum recommended dose ng felodipine (10 mg), at coffee na may dose of felodipine, at kinuhanan sila ng blood pressure.

Ipinakita ng resulta, na pagkatapos umiwas ang mga kalahok sa pag-inom ng kape sa loob ng dalawang araw, sapat na caffeine ang naalis mula sa katawan kaya sa sumunod na pagkakataon na uminom sila ng kape, tumaas ang kanilang blood pressure.

Matapos uminom ng isang tasa ng kape, nakaranas ang mga kalahok sa grupo ng coffee-only ng pinakamalaking pagtaas sa blood pressure. Tumaas ang blood pressure sa loob ng isang oras matapos uminom ng kape, at tumagal ito ng ilang oras.

Ang paghahalo ng kape at felodipine ay humahantong sa mas mataas na blood pressure kaysa pagkonsumo ng felodipine lang. Maaaring ang dahilan ay hinaharangan ng caffeine ang positibong epekto ng gamot sa blood vessels, ayon sa mga researcher. 

Inihayag nila na ang isang tasang kape tuwing umaga ay maaaring makaapekto sa diagnosis at pagpapagamot sa hypertension, o high blood pressure. 

“Even one cup of coffee containing a relatively low amount of caffeine remarkably compromised the anti-hypertensive effect of this drug at the maximum recommended dose. If you wanted to overcome the effect of the coffee, you had to double the dose of this anti-hypertensive drug which could increase the risk of unwanted excessive drug effects, particularly during the period when coffee is not consumed,” ani Dr. David Bailey.

Nababahala si Dr. Bailey na kapag uminom ng kape ang pasyente bago bumisita sa doktor, maaari itong magbigay ng komplikasyon sa diagnosis at treatment. Ang biglaang pagtaas ng blood pressure ay maaaring humantong sa over-prescription ng antihypertensive na gamot.

Inihayag ni Dr. Bailey na walang national at international na guidelines na epekto ng kape sa high blood pressure, na ang maaaring dahilan ay ang kawalan ng ebidensya. 

Umaasa siya na may mga kasunod na pag-aaral pang isasagawa na makapagbibigay ng mas maraming datos, at para mas magkaroon ng kamalayan ang mga hindi masyadong madalas uminom ng kape tungkol sa panganib na maaari nilang harapin. 

(Medical News Today)