July 26, 2026

Home BALITA Politics

'We haven't slowed down!' Sen. Ping, tuloy imbestigasyon sa Taguig kahit weekend!

'We haven't slowed down!' Sen. Ping, tuloy imbestigasyon sa Taguig kahit weekend!
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Nagpatuloy ang imbestigasyon ni Sen.Ping Lacson sa umano'y maanomalyang mga slope protection at drainage projects sa Taguig City kahit araw ng Sabado, Hulyo 25, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng pangangalap ng impormasyon kaugnay ng isinasagawang pagsisiyasat.

Sa isang post sa kanyang X account nitong Sabado, sinabi ni Lacson na hindi sila nagpahinga sa pagtutok sa mga bagong lead upang mapanatili ang momentum ng kanilang imbestigasyon.

“WORKING ON A WEEKEND: today, a Saturday, we haven’t slowed down in following up the leads to maintain the momentum gained since we started investigating the anomalous slope protection and drainage projects in Taguig,” anang senador.

Ayon pa sa senador, layunin nilang maabot ang lohikal na konklusyon ng kanilang isinasagawang imbestigasyon.

“Our goal is to reach its logical conclusion.”

Politics

'Di kami naniniwala sa mga lord!' Sen. Robin, pinatutsadahan si Lourd de Veyra?

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Lacson sa naturang post kung anu-anong bagong impormasyon ang kanilang natuklasan o kung sino-sino ang posibleng masasangkot sa imbestigasyon.

Nauna nang sinabi ng senador na sinusuri nila ang mga proyekto sa Taguig na hinihinalang may iregularidad, kabilang ang mga slope protection at drainage works, upang matukoy kung may pananagutan ang mga sangkot at matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng bayan.

Matatandaang naunang inihayag ni Lacson ang umano’y mga ghost project sa Taguig, matapos siyang birahin ni Sen. Alan Peter Cayetano sa isang Facebook live hinggil sa kaniyang Statement of Account, Liabilities and Networth (SALN).

MAKI-BALITA: 'The Payatas, QC Jail!' Sen. Ping, ilalagay sa tamang lugar si Sen. Alan 

Samantala, nauna na ring kinumpirma ni Lacson na nakahanda raw ang nakababatang kaptid nina Sen. Alan at Sen. Pia na si Lino Cayetano na tumestigo hinggil sa mga umano’y ghost project sa Taguig.

KAUGNAY NA BALITA: Utol ni Sen. Alan, bet makipagtulungan kay Sen. Ping tungkol sa 'ghost project' sa Taguig!