Pinatutsadahan ng political pundit na si Ronald Llamas si Sen. Pia Cayetano kaugnay sa naging pagbiro ng huli kay Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno.
Sa naturang video na ni-post ni Sen. Pia, mapapanood ang naging argumento nila ni Diokno kasama ang kaniyang kapatid at kapuwa senador na si Sen. Alan Peter Cayetano.
Mababasa rin na nakapaskil sa video ang “NAGBAKASAKALI LNG? WALANG MGA EBIDENSYA PERO NAG AAKUSA NA!” bilang pagtirada ni Sen. Pia kay Diokno.
Nauna na ring bumuwelta kay Sen. Pia ang Akbayan Partylist nitong Sabado, Hulyo 25, 2026, kung saan sinabi nilang kumakapit umano sa spliced video ang sendaor dahil lang nasokplak umano ni Diokno, pati na rin ang kaniyang kapatid na Sen. Alan.
KAUGNAY NA BALITAl: Akbayan kay Sen. Pia: 'Abogadong may argumentong pilipit, sa spliced video kumakapit!'
Sa pahayag naman ni Llamas sa kaniyang Facebook post nito ring Sabado, sinabi niyang pilit umanong binabago ni Sen. Pia ang kuwento dahil lang daw nilampaso sila ni Diokno.
“Dahil nilampaso silang magkapatid ni Akbayan Rep. Chel Diokno, pilit nilang binabago ang kwento,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Llamas.
Patutsada pa niya, “Hirap na hirap kumain ng pride chicken.”
“Senator-judge ito ha pero ganito ang content. Parang content lang ng kampo ni Sara. Surprised ba kayo?” pagtatapos ni Llamas.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si Sen. Pia kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Romnick Sarmenta, 'di nasayang boto kay Chel Diokno