Tumirada ang Akbayan Partylist laban kay Sen. Pia Cayetano kaugnay sa inupload ng senador na video na tila pagbira kay Rep. Atty. Chel Diokno.
Sa naturang video na ni-post ni Sen. Pia, mapapanood ang naging argumento nila ni Diokno kasama ang kaniyang kapatid at kapuwa senador na si Sen. Alan Peter Cayetano.
Mababasa rin na nakapaskil sa video ang “NAGBAKASAKALI LNG? WALANG MGA EBIDENSYA PERO NAG AAKUSA NA!” bilang pagtirada ni Sen. Pia kay Diokno.
Screenshot mula sa post ni Sen. Pia.
Matatandaang kinuwestiyon nina Sen. Pia at Sen. Alan sa Senate impeachment trial noong Hulyo 20, 2026, kung saan sumentro ang kanilang debate sa legalidad ng pagpapadala ng subpoena sa bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR), at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Romnick Sarmenta, 'di nasayang boto kay Chel Diokno
Sa pahayag naman ng Akbayan sa kanilang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 25, binira nilang kumakapit umano sa spliced video si Sen. Pia dahil lang nasokplak umano ni Diokno silang magkapatid.
“Ang abogadong may argumentong pilipit, sa spliced video kumakapit. Dahil nasoplak ni Akbayan Rep. Chel Diokno ang magkapatid na senator-judge, pilit nilang binabaluktot ang kwento,” pagsisimula nila.
Dagdag pa nila, “Ang sad, noh? Move on na po. Better luck next time. ‘That's just how it is.’”
Screenshot mula sa FB post ng Akbayan.
Anila, kalinya umano ng birada ni Sen. Pia ang kampo ni Vice President Sara Duterte at kinuwestiyon nila ang kinilos na ito ng huli bilang senator-judge.
“Pero ang mas nakakalungkot, ganito ang content ng isang senator-judge. Linyang-linya sa kampo ni Sara. Saan ka nakakita ng judge na tino-troll online ang prosecution?” diin nila.
“Sino ngayon ang one-sided?” pagtatapos nila.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Chel, parang isang samurai sa debatehan—Llamas