July 07, 2026

Home BALITA National

Atty. Chel, parang isang samurai sa debatehan—Llamas

Atty. Chel, parang isang samurai sa debatehan—Llamas
Photo courtesy: File Photo, Senate of the Philippines

Inihalintulad ng political pundit na si Ronald Llamas sa samurai si House prosecutor at Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno kaugnay sa naging pagharap ng huli sa unang araw ng Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte noong Lunes, Hulyo 6, 2026. 

Matatandaang nagharap sa trial sina Diokno at abogado ni VP Sara na si Atty. Sheila Sison na sumentro sa courtroom decorum at procedural rules ng Senate impeachment court. 

Sa gitna nito, pinuna ni Diokno ang tila pagtatanong ni Sison sa kapangyarihan ng Senate impeachment court sa halip daw na ang Korte ang tanging may kakayahang kuwestiyonin ang kapuwa prosecution at defense. 

“May I just notice that Your Honor had already directed the Counsel for the Defense not to profound questions to the Prosecution. This is already the second time. She appears to be… arrogating the powers of the Court. Because as I understand the Court, it is only the Court that can profoundly question the Counsels,” ani Diokno. 

Samantala, nilinaw naman ni Sison na tumutungkol daw ang kaniyang katanungan para sa presiding officer na si Senator-Judge Chiz Escudero. 

National

'Hindi siya cheerleader!' Ridon, binira pagpapakita lang ni VP Sara para sa defense

Sa naging pahayag naman ni Llamas sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Hulyo 7, sinabi niyang tila samurai daw si Diokno makipagdebate dahil may tama raw ang bawat pukol nito sa pakikipag-argumento. 

“Si Akbayan Rep. Chel Diokno ay parang isang Samurai. Mahinahon kung makipagdebate, pero bawat pukol ay eksaktong tumatama,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Llamas.

Dagdag pa ni Llamas, “At bago mo pa namalayan, hiwa-hiwa at lasug-lasog na ang mga argumento mo.”

Samantala, wala namang inilalabas na tugon, pahayag, o reaksyon sina Diokno o Sison kaugnay rito. 

Nakatakdang muling magsimula ang Senate impeachment trial sa ganap na 2:00 ng hapon ngayong Martes, Hulyo 7, 2026. 

MAKI-BALITA: 'Upang hindi ako magkamali!' Sen. Robin, nilinaw paghingi ng tulong sa Google