Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald dela Rosa ang police commanders na paigtingin pa ang kanilang pangangalap ng impormasyon laban sa mga grupong kriminal upang mapigilan ang posibleng paglipat ng mga ito sa kidnap-for-ransom (KFR).

Ito ay dahil na rin sa ginagawang pagdurog ng pamahalaan sa illegal drug trade na unang nilipatan ng mga kriminal dahil sa laki ng kita sa droga.

“Since they are having difficulty now selling drug because of our operations, they may shift back to kidnapping-for-ransom,” ani Dela Rosa.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nagtatag siya ng special task force para tugisin ang KFR groups. Humina ang sindikato at ang halos natira na lang ay ang kidnapping activities ng Abu Sayyaf Group (ASG).

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Ang ASG ay pinatututukan din ni Dela Rosa dahil maaari umano nilang iligaw ang mga tumutugis na sundalo, sa pamamagitan ng pagdukot.

“We have to be alert on diversionary tactics because they will try to do some to ease our pressure in Sulu,” ani Dela Rosa.

Sa kasalukuyan, kuntento umano si Dela Rosa sa security measures na ipinatutupad ng mga awtoridad, lalo na sa Mindanao. (Aaron Recuenco)