Hindi lubos maisip ng isang binatilyo na ang pag-ihi niya sa isang sidecar ang maglalagay sa kanya sa alanganin matapos siyang arestuhin dahil sa pag-iingat ng balisong sa Quiapo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Nilabag ni Remus Estrella, 21, binata, walang trabaho, ng 2445 Decena Street, Libertad, Pasay City, ang mga ordinansa sa nasabing lungsod gaya ng pag-ihi sa mga pampublikong lugar at pagbibitbit ng balisong.

Base sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong 3:00 ng madaling araw nang madakip ang suspek sa Rizal Avenue, sa kanto ng Gil Puyat Street, sa Raon, Quiapo, Maynila.

Nauna rito, namataan ng mga elemento ng Plaza Miranda-Police Community Precinct (PCP) ang suspek na umiihi sa isang nakaparadang sidecar at kanilang sinita hanggang sa tuluyang inaresto nang makumpiskahan ng balisong.

(Mary Ann Santiago)

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla