Nasungkit ni Divine Wally ang gintong medalya para tampukan ang kampanya ng Team Philippines sa 9th Asian Wushu Championship kamakailan sa Taiwan.

Nagwagi rin ang Pinoy wushu jins ng isang silver at apat na bronze medal.

Nakamit ni Wally ang gintog medalya sa women’s 48kg ng sanda event kontra sa karibal na Vietnam.

Matikas naman si Arnel Mandal sa silver medal sa 52kg sanda event, habang pangatlo sina Carlos Baylon sa 56kg division, gayundin sina Clemente Tabugara Jr. at Hergie Bacyadan sa men’s and women’s 56kg division, ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naiuwi naman ni Agatha Wong ang huling bronze medal sa taijijian competition.

Ikinatuwa ni Wushu Philippines Federation president Julian Camacho ang pamamayagpag ng Team Philippines sa prestihiyosong torneo.

“Eversince na sumali tayo sa Asian Championship, hindi naman tayo na-zero. It’s a shot in the arms for wushu Philippines. Hopefully, makapanalo rin ang mga players natin sa susunod na torneo pati na sa World Championship,” pahayag ni Camacho.