ANG ganda ng promo ng Barcelona: A Love Untold dahil sasabayan ng release ng librong The Barcelona Travel Book: A Journey Untold. Puwede nang mag-pre-order ng book at may chance kayo to be one of the 10 lucky winners ng movie poster na may pirma nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Magiging exclusive sa National Bookstore nationwide ang libro. For more info, visit www.nationalbookstore.com.

Ready na rin for download ang Barcelona stickers courtesy of Viber. Makakapamili ang fans kung anong sticker ang gusto nila, basta mag-download lang.

Sa September 14 na ang showing ng Barcelona at ang balita namin, may 300 scheduled block screening na ito, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang bansa. Tiyak na madadagdagan pa ang block screening habang showing ang pelikula na pinamahalaan ni Olivia Lamasan. (Nitz Miralles)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco