Naniniwala si Senator Manny Pacquiao na tanging ang Panginoon lamang ang makapagbabago sa ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte, at hakahanda naman siyang ipagtanggol ang Pangulo na itinuturing niyang kaibigan.

“Hayaan natin ang Panginoon na magbago sa kanila. Hindi tayo ang tao na magbago sa tao,” ayon kay Pacquiao. “Hindi natin siya pwedeng pangunahan at hayaan natin kung ang Panginoon magbigay sa kanya ng wisdom, knowledge to change his style. Anyway ‘yung dapat suporta natin hindi magbago , ‘yung pagkakaisa natin hindi magbabago para sa pagbabago ng ating bansa,” dagdag pa nito.

Ang pahayag ng Senador ay reaksyon nito maanghang na salita ng Pangulo kay US President Barack Obama na nagresulta sa kanselasyon ng kanilang bilateral meeting sa Laos.

“Ang hinahangaan ko rin lang sa ating Pangulo, na alam niya ang pagkakamali at nagso-sorry siya,” ayon kay Pacquiao.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Sa Washington DC, sinabi naman ni US State Department Deputy Spokesperson Mark C. Toner, na sa Amerika, “words matter.” Kaya’t nang ‘murahin’ umano ni Duterte si Obama, mayroon itong consequence.

“The consequence is that the decision was clearly made that they couldn’t have a productive and constructive conversation,” ani Toner. Ito umano ang dahilan ng pagkansela sa bilateral meeting ng dalawang lider.

Gayunpaman, hindi pa rin umano apektado ang 70-taong matatag na relasyon ng dalawang bansa, at nais ng Amerika na magpatuloy ito. (Leonel M. Abasola at Roy C. Mabasa)