KATHRYN AT DANIEL copy copy

IKINUWENTO sa amin ni Ms. Thess Gubi, ang PR lady ng Star Magic, na namangha siya nang husto sa pelikulang Barcelona: A Love Untold na pinagbibidahan ng dalawa sa mga alaga niya at isa sa mga sikat na love team ngayon na sina Daniel Padilla at Kathyn Bernardo.

“Ibang level na talaga ang KathNiel dito. Nag-level-up ang maturity nila,” kuwento ni Ms. Thess sa amin.

Mas mature na ang mga papel nila Kathryn at Daniel sa nasabing pelikula at siyempre ganoon na rin pati ang istorya kumpara sa mga pelikula na dati nilang ginawa for the past five years.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Aniya pa, kakaibang love story ang Barcelona, hindi ‘yung usual na teeny booper ang roles nina Daniel at Kathryn.

“Palagay ko sa nakikita ko, eh, ang pelikula parang pelikulang One More Chance ang dating. Sobra talaga,” papuri pa ni Ms. Thess sa pinakabagong pelikula ng KathNiel.

Kinumpirma rin ni Ms. Thess ang nakakagulat sa daming pa-block screening ng mga nagmamahal sa KathNiel.

Hindi na rin naman daw siya nagtaka sa napakainit na suporta ng fans ng dalawa maging sa Spain na gumastos at dinadayo ang location sa Barcelona.

“Kahit walang nagsabi ng location sa kanila, eh, talagang nalalaman nila. Kung minsan nga, raw, eh, mas nauuna pa sila sa mga artista,” sey pa ng kausap namin.

“Meron pang mag-asawang fans ng dalawa na may-ari ng isang resto doon na dinadalhan pa at pinapakain ng gusto nila sina Kath at Daniel. Grabe talaga ang mga tagahanga ng dalawa. Napakasuwerte rin ng mga alaga namin dahil sa mga fans nila,” sey sa amin.

Yes, kumpirmado na tumulong sa crew ang fans at tuluy-tuloy ang pagdadala ng makakain sa set. At ‘yun nga raw ang nami-miss ng Kathniel nang matapos na ang shooting at umuwi na sila ng Pilipinas! (Jimi Escala)