Inihahanda na ng pamahalaan ang guidelines kung papaano ipatutupad ang idineklarang state of national emergency.

“We will be issuing guidelines within the day po in the implementation of this proclamation,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea kahapon sa radyo.

Siniguro ni Medialdea na hindi maaapakan ang civil liberties habang ipinatutupad ang state of national emergency, kung saan ang pulis at militar ay may kapangyarihang supilin ang kaguluhan sa Mindanao at iba pang lugar sa bansa.

Bago tumulak sa Laos, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 55 na nagdedeklara ng state of national emergency. (Genalyn Kabiling)

National

France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado