Target ang panalo, haharapin ng Phoenix ang Blackwater para pormal na makasiguro ng slot sa playoff sa OPPO-PBA Governors Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Taglay ang barahang 4-4, hawak ng Phoenix ang ikalimang puwesto sa likuran ng Meralco (5-5).

Liyamado ang Fuel Masters laban sa kulelat na Blackwater Elite sa kanilang laro ganap na 4:15 ng hapon.

“Slowly but surely, the team is maturing. Hopefully we’re peaking at the right time,” pahayag ni Phoenix coach Ariel Vanguardia matapos ang malaking 106-93 panalo kontra Star Hotshots nitong Biyernes.

Sisinghap-singhap ang kampanya ng Elite na kailangang mawalis ang nalalabing tatlong laro para makaangat sa playoff.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Magtutuos naman ang Alaska at Globalport sa main game sa 7:00 ng gabi.

Batay sa format ng season ending conference, ang top 8 teams matapos ang single round eliminations ang uusad sa quarterfinals.

Sa tampok na laro, maghihiwalay ng landas ang Aces at ang Globalport Batang Pier. Galing sa 120-122 kabiguan ang Globalport sa kamay ng Tropang Texters, habang nagwagi ang Aces sa huling laro kontra Elite. (Marivic Awitan)