Korina, Kathryn at Daniel [from korina instagram] copy

SA nakaraang episode ng Rated K ni Korina Sanchez-Roxas, nagkuwento sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo tungkol sa kagandahan ng Spain, ang location ng newest movie nilang Barcelona: A Love Untold.

Ayon kay Daniel, napakaromantiko ng Barcelona at isa itong lugar na babalik at babalikan niya kapag may pagkakataon.

Nasa bucket list pala ng young actor ang pagbisita sa Barcelona dahil sa magagandang feedback na nakakarating sa kanya ukol sa naturang lugar sa Europe. Kaya ang bungad na sabi niya kay Korina, “Grabe Tita, napakaganda ng Spain.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Parang isa ‘yun sa mga bansa na talagang babalikan namin. Iba ‘yung feel ng Spain.”  

Sabi naman ni Kathryn, ang paborito niyang tourist spot doon ay ang La Sagrada Familia, ang location ng kanilang first shooting day.

“Sagrada ‘yung favorite tourist spot ko kasi feeling ko ang romantic niya, saka hindi mo alam kung paano ginawa sa sobrang detail ng pagkakagawa,” sey ng young actress. 

Hindi rin pinalampas ng dalawa ang pagsa-shopping habang nasa Barcelona sila.

“Bumili ako ng bag po, siya (Daniel) leather jacket,” kuwento ni Kathryn.

Napabili raw si DJ ng leather jacket dahil kakaiba at bibihira silang makakita ng ganoong design.

Ibinida rin ng KathNiel ay ang suporta ng kanilang fans sa Barcelona. Kahit saan sila mag-location, may nakasunod na fans na nagdadala sa kanila ng mga pagkain at souvenirs.

“Walang nagsasabi ng location,” kuwento ni Daniel, “pero nandun sila. Nauuna pa sila sa amin.” 

Malaking bagay sa production ang KathNiel fans doon dahil tumutulong sila sa pagbubuhat ng mga gamit. Advantage daw sa kanila ‘yun dahil limited ang mga crew na pinasama sa Star Cinema group at sa kanilang tulong mas napapabilis ang trabaho.                      

“Sila ‘yung nagke-cater sa amin every day, so kung nami-miss namin nagre-request kami ng sinigang, sisig,” kuwento naman ni Kathryn. (ADOR SALUTA)