Sinimulan ng Centro Escolar University (CEU) at De La Salle Zobel (DLSZ) ang kani-kanilang kampanya para sa target na ika-6 na sunod na titulo habang nagwagi ang host Saint Jude Catholic School sa opening day ng 47th WNCAA sa magkahiwalay na venue.

Ginapi ng five-time senior champion CEU, sa pangunguna ni last season MVP Cristine Caranto na umiskor ng 16 puntos, ang Philippine Women’s University, 66-45, nitong Sabado sa Makati Coliseum.

Tinalo naman ng five-time midget champion DLSZ ang Miriam College, 58-39,sa pangunguna ni Carly Kaye Monreal, ang 46th season MVP na may 21 puntos sa St. Scholastica Gym.

Sa juniors’ play, pinadapa ng Saint Jude ang St. Stephen’s High School, 40-34. Namayani rin ang University of Asia & the Pacific kontra Miriam, 40-37 habang pinayukod ng San Beda College Alabang ang St. Scholastica, 53-16, sa seniors’ play.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang midget matches, inungusan ng St. Paul College Pasig ang Poveda, 42-38, at iginupo ng San Beda ang Saint Jude, 34-13.

Sa volleyball competition sa Rizal Memorial Coliseum, tinalo ng CEU ang St. Scholastica, 25-13, 25-15, 25-16; ginapi ng San Beda ang Assumption, 25-22, 25-19, 25-14; at pinasadsad ng PWU ang Miriam, 25-13, 22-25, 25-23, 25-14.