Bangkay na tumimbuwang ang tatlong umano’y kilabot na carjacker makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti-Carnaping Unit (QCPD-AnCar), iniulat kahapon.

Sa report ng QCPD-AnCar, dakong 11:00 ng gabi nitong Linggo nang mangyari ang sagupaan sa checkpoint sa Kamuning Road sa Barangay Kamuning.

Nauna rito, pinara umano ng mga carjacker ang taxi (AAY-6451) na minamaneho ni Alberto Tabacio, 66, sa Kamuning Road.

“Tinutukan po nila ako ng baril, pinababa ako sa taxi at kinuha nila ang kinita ko sa isang araw na pamamasada na nasa mahigit P1,000. Tinangay nila ang sasakyan ko sa kanilang pagtakas,” sinabi ni Tabacio sa pulisya.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Agad namang nag-report sa pulisya si Tabacio at nang sitahin ang mga suspek sa checkpoint sa Kamuning Road ay binaril umano ng mga ito ang mga operatiba ng AnCar, na gumanti ng putok. (Jun Fabon)