AdU Ballroom Dance Team  (RIO DELUVIO)

Ginto ang kulay ng University of the Philippines sa opening day ng UAAP Season 79 nang walisin ang ballroom dancing competition nitong Sabado, sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Nakopo ng Fighting Maroons ang kabuuang 92.48 puntos sa Latin American category para gapiin ang University of Santo Tomas (91.66) at University of the East (84.42). 

Nadomina rin ng Diliman-based dancers ang standard ballroom category tangan ang 94.3 puntos kontra UST (92.1) at De La Salle (87).

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Ipinakilala ang ballroom dancing bilang demonstration event ngayong season at mapapabilang sa inaabangan ding cheerdance at streetdance contest.

Binuksan ang 2016 Season ng pinakamalaking collegiate league sa bansa sa mala-Olympic na tema kung saan ipinakita ang tradisyon ng Thomasian.

Kasama ang mga opisyal, sa pangunguna ng kani-kanilang school president, dumaan ang bawat koponan sa makasaysayang Arch of the Centuries papasok sa UST Plaza Mayor.

 Inawit ng UST Symphony Orchestra ang UAAP hymn, gayundin ang Season 79 theme song “Dare to Dream”. Nagbigay din ng kanilang palabas ang Liturgikon Vocal Ensemble, Coro Tomasino at multi-titled UST Salinggawi Dance Troupe.

Idineklara ni UST Rector Rev. Fr. Herminio Dagohoy OP ang pagbubukas ng UAAP season, kasunod ang pyromusical show.