Natagpuang palutang-lutang ang isang bangkay ng lalaki sa Ilog Pasig, sa Binondo, Manila, iniulat kahapon.

Inilarawan ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang biktima na nasa edad 35 hanggang 40, nasa 5’4 ang taas, kalbo, at tanging asul na jersey ang suot.

Ayon sa isang residente, iidlip sana siya sa gilid ng ilog, malapit sa Gate 62, sa Parola Compound, Binondo, nang mamataan ang palutang-lutang na bangkay dakong 6:00 ng gabi.

Kaagad naman niya itong ini-report kay Dario Habal, barangay environmental police, na siyang humingi ng tulong upang maiahon ang bangkay, at ini-report sa mga awtoridad.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Mary Ann Santiago)