Hindi na nakapalag ang isang Briton nang arestuhin ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni acting SPD Director Sr. Supt. Tomas Apolinario, Jr., ang dayuhang suspek na si Nabeel Ahmed Butt, alyas “Isaac”, nasa hustong gulang, nanunuluyan sa San Joaquin, Pasig City.

Sa ulat ni Sr. Insp. Wilfredo Sangel, hepe ng District Anti Illegal Drug (DAID), dakong 5:30 ng madaling araw nang dakpin ang suspek sa panulukan ng Makati Avenue at Jupiter Street sa nasabing lungsod.

Huli sa aktong iniaabot ng suspek ang ecstasy na nagkakahalaga ng P3,000 sa isang pulis na tumayong poseur buyer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Unang nakatanggap ng tawag ang DAID kaugnay sa pagbebenta ng droga ni Nabeel kaya nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa suspek.

Nahaharap si Nabeel sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)