NARARAMDAMAN na ni Rihanna ang pag-ibig.
Nitong Huwebes, ginamit ng singer ang Instagram para magpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanya at sa kanyang career, na naghatid sa kalagayan niya ngayon at para maparangalan siya ng Michael Jackson Vanguard Award nitong nakaraang Linggo sa MTV Video Music Awards.
“#VMA2016 night was one that I would never forget,” saad niya kasama ang clip ng kanyang acceptance speech. “I have the most incredible people in my life! My family, friends, loved ones, my fans, my team!!! All gifted beautiful spirits! And I’m so grateful that God has precisely and flawlessly arranged our paths to meet at each other! It’s because of you that I was able to reach this moment in my career!”
Iprinisinta ni Drake ang trophy kay RiRi sa awards show, at ipinahayag ang kanyang pagmamahal sa singer sa buong mundo.
“She’s someone I’ve been in love with since I was 22 years old,” aniya. “She’s one of my best friends in the world.”
Mutual naman ang feelings ng dalawa. “@champagnepapi your speech was so touching and I love you for that,” pagpapatuloy ng Barbadian singer sa kanyang mahabang post sa Instagram.
Simula nang ipahayag ni Drake ang kanyang nararamdaman, naging bukas na ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon. (Yahoo Celebrity)