Sinimulan na ng Bureau of Customs (BoC) ang online streaming upang maging transparent ang ahensya at makaiwas sa korapsyon.

Binanggit ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon, na 40 camera na ang naipakalat sa mga tanggapan ng bureau upang makita ang bawat galaw ng mga empleyado. Masisilip nang live ang mga nagaganap sa loob ng BoC sa website nito.

Inaayos na rin ng ahensya ang live-streaming sa 94 camera sa Port of Manila (PoM), Manila International Container Port (MICP) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'