KUALA LUMPUR (PNA) – Kinumpirma ng Malaysia ang unang kaso ng Zika virus sa bansa noong Huwebes sa isang babae na kamakailan ay bumiyahe sa Singapore, na bigla ang pagtaas ng mga bagong kaso ng Zika nitong mga nakaraang araw.

Ang virus, na ikinaalarma ng mga awtoridad ng kalusugan, ay nasuri sa isang 58-anyos na babae mula sa Bandar Botanic, Klang sa Selangor, sinabi ni Malaysian health minister Dr. S. Subramaniam sa isang press conference. Ginagamot siya ngayon sa ospital.

Pinaghihinalaan na nahawaan ang pasyente habang binibisita ang anak nitong babae sa Singapore mula Agosto 19 hanggang 21. Nakitaan siya ng sintomas ng rash noong Linggo at nasuring positibo nitong Martes ayon sa press release mula sa ministry.

Hindi pa nakikitaan ng sintomas ng Zika ang asawa at mga miyembro ng pamilya ng babae na kasama niyang nakatira sa bahay.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator